Commencement Exercise Speech - 2008

"Ang Mga Batang Magsisipagtapos: Sa Gitna ng Tagumpay, Humaharap sa Hamon ng Buhay"


Sa ating kagalang-galang na Punong-Bayan, Hon. Luis Ferrer IV, sa ating ating Punong Baranggay, / G. Anastacio Alcantara, / sa mga masisipag na guro sa pamumuno ng ating Punong-Guro, / Gng. Efrenaida Lumagui, / sa aking mga kanayon, / sa mga magulang / at sa mga magsisipagtapos,/  isang maaliwalas na umaga po. /

13 years ago, / I was sitting as a graduate/ as you are right now. / Yun nga lang unlike most of you, / I was not as prepared / and almost did not make it / because I got sick the day before. / Pero sabi ko kay nanay at kay tatay, / “Gusto ko po magmartsa!”. / Ayoko po palagpasin ang pagkakataon.

Sapagkat ang pagtatapos ay maituturing na isang pagkakataon ng tagumpay, isang winning moment ika nga. / Bakit? / Noong mga panahong iyon, ang aking dahilan ay hindi biro ang ilang taon ng paggising ng maaga kahit na gusto ko pang matulog ng mas mahaba at maglaro na lang buong araw, may baon man o wala, / umulan man o bumagyo, / may sakit, at kung minsan ay nagsasakit-sakitan lang. / At para sa aking mga mga magulang, nakikita at nararamdaman ko ang galak at tuwa ng tagumpay. Si nanay postura at nakamake-up pa habang si tatay naka tuck-in. Espesyal!

Ngunit ang tagumpay ay may mas malalim pang mga kahulugan. Success is defined as synonymous to the words, achievement and victory. / It is likewise associated to gaining wealth and fame. / Then, why am I here? / Because another definition of success / is the satisfactory completion of one’s goals./

Noong ako ay sing-edad at sing-laki ninyo / (bagama’t hindi maikakailang pagdating sa height ay wala ako masyadong ipinagbago = ), / ang totoo’y pangarap ko ay ang maging isang duktor. / Ngunit saka ko na lamang nabatid / na may kamahalan pala ang kursong gusto ko / at ang mas masama pa, / di rin pala sigurado na ako ay makakapagkolehiyo. / Ngunit matibay ang aking paninindigan, sinabi ko sa sarili ko, / Magsisikap ako! / Makakapagkolehiyo! / At iyon ang simula ng mga sumunod ko pang mga adhikain sa buhay.

Maari tayong magtagumpay sa anumang yugto ng ating buhay. / Ito ay nakasalalay sa kung paano natin haharapin ang mga hamon na dumarating. / Walang naming adhikaing nakamit, ng hindi napagtagumpayan ang mga balakid/ “It doesn’t matter how many times we fall but how we get up after that fall”. / Kung sila nanay at tatay ay pinanghinaan ang loob na ako ay patapusin ng pag-aaral sa tuwing di makakabenta ng gagamba, / sa tuwing walang mautangan ng aming pambaon, / sa tuwing sinasalanta ng bagyo at mga insekto ang mga pananim, / sa tuwing mura lang o walang bumibili ng uling, /  sa tuwing di sapat ang upa sa pamimitas ng mangga,……… / wala po ata akong kredibilidad na humarap sa inyong lahat na naririto ngayon./

Isa pang kasabihan, / success is 99% perspiration and 1% inspiration. / Matamis ang tagumpay na pinaghirapan. / Hindi naging madali para sa akin ang aking mga pinagdaanan. Naging matiyaga po ako sa pagpasok at pag-aaral sa kabila ng maputik na daan, mahirap po lalo nakapag bumabagyo, kulang din ako sa libro kaya naging laman ako ng library, / kapag may program pos a eskwelahan, hindi na lang ako nahiyang manghiram, may mga pagkakataon din na ang baon ko ay sapat lang para sa pamasahe, /nagsipag ako bilang isang student assistant sa loob ng apat na taon para sa 100% tutition discount, buong siglang minahal ko ang mga atas na itinatagubilin sa akin. / Ito ang ilan sa aking abang tagumpay. / Ito ang dahilan kaya narito ako sa entablado./

Hindi ko nais ipagmalaki at ipagpahanga ang aking sarili kaya inilalahad ko ang mga bagay na ito. / Sa halip, nais kong ipabatid na tinanggap ko ang karangalang maging tapagsalita sa araw na ito upang maging isang inspirasyon. / Hindi lang ako ngunit pati na rin ang aking mga magulang at ang mga taong nagtiwala sa akin. /

Mahirap paniwalaan ang aking mga sinasabi, alam ko. / Sapagkat sadyang may mga unexpected na pangyayari na malamang na darating. /  Ang mapag-alamang may sakit na kanser ang aking ama ilang buwan pa lamang mula ng ako ay magtapos ng kolehiyo ay isa sa mga mabibigat na pagsubok na pinagdaanan ko. / Wala pa akong napapatunayan at naibabalik sa kanyang mga pagsisikap. Ang tanging maari kong gawin ay isantabi ang aking mga personal na pangarap, / pansamantala, / para sa aking pamilya. / Ngunit pinanatili kong buhay ang apoy ng adhikain na nais kong marating / at katunayan hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na inaabot ang mga ito. / Wala akong pinalampas na oportunidad at pagkakataon kung saan maari kong mapaunlad at mahubog ang aking sarili. / Sinasabi ko na lang palagi, habang may buhay may pag-asa. / Hangga’t kayang ibigay ang isang porsyento, Ibigay! / Todo na ‘to! /

Ang aking tagumpay ay alay ko sa marami. At bago ko ibigay ang aking huling mensahe, / ipahintulot nyo na sila ay mapasalamatan. Ang aking mga naging kaklase, / mga naging guro / ang dating punong-gurong Sir Caparas, / ang namayapang Sir Meynard Dimapilis / at Gng. Flor Dimapilis / para sa kanilang mga itinurong leksyon at aral, / sa aking tiyahing si Auntie Precy,  na napakalaki ng tulong sa aking edukasyon gayundin kay Nanay Viceng/ sa namayapa kong lolo at lola, / sa aking mga kaanak para sa suporta, / sa aking mga mahal na magulang at kapatid / at sa ating Dakilang Poong Maykapal kung saan alay ko ang lahat.  /

Hindi ipinagkakait ang tagumpay sa sinumang hindi umuurong sa hammon ng buhay. Baon ang sipag, tiyaga, disiplina sa sarili, pananalig sa Kanya at sa inyong mga kakayanan. Ang tanging tanong, Kaya nyo ba? Kaya nyo nga ba? Hindi pa man kayo magsalita ay alam ko na Dahil nasa harap ko kayo, Ituloy ninyo ang inyong nasimulan. Hanggang makamit ninyo ang inyong sariling tagumpay.


Mabuhay ang mga graduates ng 2008 at maging ang inyong mga magulang. / Maraming salamat po. /

Comments

Popular Posts